Wednesday 29 February 2012

Tula ni Angel para kay Drake

Noon palagi kitang kasama, madalas tayo lang dalawa.
Ikaw lang ang nakakasundo sa mga bagay bagay sa mundo
Marami akong kaibigan, ngunit naiiba ka sakanila.
Tila lahat ng sinasabi ko ay pinapakinggan mo.


Tinatanong ang sarili kung bakit nagkaganito.
Hindi ko mapigilan ang nararamdaman
Tama ba na mahulog ako sa iyo?
Sapagkat sayo ko naramdaman ang kaligayahan


Nagbago ang lahat,
hindi kita mahagilap
San ka nagpunta, at bakit iniwan akong nag-iisa?
Tapos na ba ang pagpapanggap?
At ang nabuong samahan ay wala ng bisa?


Hindi parin nakakalimutan, mga alaala mo ay nasa aking isipan.
Sa tuwing naalala ang iyong mga ngiti, gustong gusto ko ng umuwi.
Minsan gusto kong sabihin ang nararamdaman
Ngunit natatakot ako baka hindi mo maintindihan.


Manhid ka ba? Bakit hindi mo napapansin ang aking pagsinta
Hindi kaya'y nagbubulagan ka upang ako ay maiwasan?
Hanggang ngayon, ikaw parin ang sinisigaw ng damdamin.
At balang araw ikaw ang gusto kong ipakilala sa amin.


Sa ngayon isa kang matayog na bituin, ngunit gagawa ako ng paraan at ika'y aking aabutin
Hindi man ngayon, alam ko may iba pang pagkakataon
Aasahan ko ang panahong iyon
Kung kailan makakasama kita ng isang araw, linggo at maraming taon

No comments:

Post a Comment