Wednesday 29 February 2012

Nasasaktan si Angel

Isang kaibigan na palaging nariyan
sa oras ng kalungkutan ikaw
ang nagbigay ng kasiyahan


Nakilala kita ng buong-buo
mga sikreto mo ay alam ko
ngunit hindi nagbago ang paningin sayo


Hindi ko masasabing palagi tayong
magkasama, ngunit madalas tayong magkasabay
sa eskwela, pook pasyalan, at pauwi sa bahay


Nasanay siguro akong
ikaw ang palaging karamay
sa ating paglalakbay


Ngayon, wala ka na. Bakit
sinanay mo akong palaging
andiyan ka?!

Tula ni Angel para kay Drake

Noon palagi kitang kasama, madalas tayo lang dalawa.
Ikaw lang ang nakakasundo sa mga bagay bagay sa mundo
Marami akong kaibigan, ngunit naiiba ka sakanila.
Tila lahat ng sinasabi ko ay pinapakinggan mo.


Tinatanong ang sarili kung bakit nagkaganito.
Hindi ko mapigilan ang nararamdaman
Tama ba na mahulog ako sa iyo?
Sapagkat sayo ko naramdaman ang kaligayahan


Nagbago ang lahat,

Liham ni Angel

Matagal rin akong nawala at ngayon ako'y magbabalik. Ngunit bago ang lahat gusto ko munang ayusin ang aking sarili. Naranasan niyo na ba ang maging mataba? Naranasan niyo na bang pumili ng damit pero hindi kakasya sayo? Ang sakit isipin diba? "Magbago tayo para sa ating sarili. Lagi nating tatandaan nasa huli ang pagsisisi. Nagsisisi ako dahil wala akong disiplina sa pagkain noon. Ngunit hindi pa huli ang lahat meron pa tayong pagkakataon para magbago. Huwag mo sabihing "BAHALA NA". Bawat isa sa atin ay may karapatang maging masaya. Nasa atin ang desisyon . Gawin ang dapat gawin, balang araw bigla mo nalang mapapansin ang mga biyaya ay kusang dumarating.

Monday 27 February 2012

Angel and Drake


Ako si Angel 17 years old at ibabahagi ko sainyo ang aking  kwento. Highschool pa lang ako naririnig ko na ang pangalang Drake. Pinag-uusapan siya ng mga kababaihan at ng mga Mr. beautiful. Marami akong naririnig tungkol sakanya katulad ng gwapo,mayaman,mabait, at higit sa lahat matinik sa chicks. Hindi ko inakalang makikilala ko si Drake. Naging textmate ko siya noong highschool and since hindi naman talaga ako attracted sa guys, kaya okay lang. Akala ko okay lang. Pero nag.krus ang landas namin sa kolehiyo at dun nagsimula ang aming pagkakaibigan. Naging malapit siya saken, tinuturing namin ang isa’t-isa bilang matalik na magkaibigan. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kami kalapit sa isa’t-isa, hindi ko rin alam kung ang samahan ba namin ay ginagawa ng ordinaryong magkaibigan. Napansin ko nalang na sa bawat araw na nakakasama ko siya, sa mga araw na iyon ako sumasaya. Siya ba ang dahilan sa aking mga hindi maipaliwanag na nararamdaman?