Wednesday 29 February 2012

Nasasaktan si Angel

Isang kaibigan na palaging nariyan
sa oras ng kalungkutan ikaw
ang nagbigay ng kasiyahan


Nakilala kita ng buong-buo
mga sikreto mo ay alam ko
ngunit hindi nagbago ang paningin sayo


Hindi ko masasabing palagi tayong
magkasama, ngunit madalas tayong magkasabay
sa eskwela, pook pasyalan, at pauwi sa bahay


Nasanay siguro akong
ikaw ang palaging karamay
sa ating paglalakbay


Ngayon, wala ka na. Bakit
sinanay mo akong palaging
andiyan ka?!


Nasasaktan ako! Bigla kang nawala
at ngayo'y magkikita tayong
may kasama kang iba


Ano nga ba ang magagawa?
Wala akong karapatan,
dahil kaibigan lang kita


Naalala ko ang mga panahong
ika'y kasama. Wala tayong ibang
ginawa, kundi tumawa at magsaya


Ayokong umibig sayo kaibigan
ngunit ngiti at boses mo pa lang
may kakaiba na akong nararamdaman


Pagpasok ng silid tumitingin
agad sa aking paligid at pag nasilayan
ang iyong ngiti, bumibilis ang pintig ng dibdib


Kapag nagugutom iba't-ibang
pagkain ang inihahain ngunit mukha mo'y
di maalis sa aking paningin.


Tuwing nalalasing nakabantay ka
at gising na gising dahil
mahirap akong pauwiin


Paglabas ng bahay natatanaw kita sa
malayo, malawig mong kamay ay sa
akin pala kumakaway


Sino ba naman ang taong
hindi mahuhulog sa
iyong mga ginagawa??


Ikaw ang dahilan kung
bakit ako naging masaya
mahal kong kaibigan


Ngunit kung alam ko lang
na ikaw ang magiging dahilan
sa pagpatak ng aking mga luha
SANA AY HINDI NALANG KITA NAKILALA. :'((

1 comment:

  1. Best Casinos in Vegas - Mapyro
    › casinos-las 김해 출장마사지 › casinos-las Casinos. Las Vegas · Downtown. Vegas. Las Vegas 구미 출장샵 · Downtown. Las 속초 출장샵 Vegas · 김포 출장안마 Golden 경기도 출장안마 Nugget Casino · Drai's. Las Vegas.

    ReplyDelete